Mga Bagay Na Dapat Mong Malaman Sa Kinakain Mong Peanut Butter.
Kapag bata pa tayo basta masarap sa panlasa okay na tpos na usapan. Pero kapag nagkaka edad ka na at nagiging health conscious, gusto nating alam lahat kung ano ang meron dun sa kinakain natin.
Alam mo ba ang mga bagay na ito?
1. Mamantika - Sobrang Creamy ng peanut butter, ang daling i spread sa tinapay!
Mag ingat kayo dahil ang mamantikang peanut butter na galing sa local market lalu na ung mga nasa ordinaryong bote eh talaga namang mag aalala ka.
Alam nyo ba na ang 10 kilong mani nila ay nilalagyan ng sangkaterbang mantekilya at 2 litrong cooking oil para maging creamy? Sasabihin lang nila na natural process ang oil separation (WOW!)
Kaya sumeparate ang mantika sa peanut eh dahil hindi natural ang mantika na umibabaw, yan po ay cooking oil na punong puno ng sangkaterbang sebo na babara sa ugat mo sa puso.
kaya tandaan, dapat ang healthy na peanut butter ay Roasted Sa Oven at hindi pinirito at nilunod sa mantika at titimplahan ulit ng mantikilya at litro litrong cooking oil tpos isasama sa giling.
2. Sobrang Daming Asukal Para Masarap! -
Ang peanut butter mas healthy kung walang asukal pero kaya ba natin kainin to ng walang ka asu asukal?
May alternative kagaya ng pag gamit ng stevia. Ang stevia ay merong 0 glycemic index...Pwedeng pwede kung diabetic ka...hindi mag i- spike ang blood sugar mo dahil ang gnamit na pampatamis ay 0 glycemic index na Stevia as sweetener.
Pwede rin gumamit ng honey or less sugar cane (tabangan ang timpla) para naman healthy ang peanut butter natin.
3. Ordinary Plastic Jar Kasi Home Made -
Dapat Ganito kaganda ang plastic Jar, BPA Free at food Grade ang plastic. Recycle Code #1.
Hindi lahat ng home made eh walang kalidad. Merong mga small producer ng peanut butter na daig pa ang quality controller ng mga malalaking kumpanya. Hindi ko nilalahat pero.....
Ang nakakalungkot, tayong mga pilipino gusto ng mura...kaya ang ibang producer sinasamantala ang ganitong nakasanayan nating sistema. "Mura na Marumi pa hahaha!" or "Mura na Magkakasakit ka pa!"
Siguraduhin na ang bottle na ginamit eh totoong naise seal ang food at air-tight para naman masigurong malinis at di nai expire ung pagkain. Yung iba may seal pero pag tanggal ng seal tanggal na rin agad ung takip.
Pangalawa, Tingnan ang Recycle code ng bote sa ilalim...dapat atleast code #1 or code #2 and #5. Ibig sabihin, dapat FOOD GRADE PLASTIC ang gagamitin. Dapat walang BPA (Bisphenol-A) na nagko cause ng cancer.
Kung walang code ang bote mas maiging wag mo na itong bilhin dahil hindi ito Food Grade Plastic Bottle.
Dapat May ganitong mga Recycle Code at ito ay dapat na code #1, 2 or 5.
4. Anong Peanut Butter Ba ang Maire rekomenda ko?
Kagaya ng sinabi ko dapat hindi mamantika at roasted dapat. Dapat hindi masyadong Matamis. At higit sa lahat dapat ang bottle ay Food Grade Plastic para safe sa kalusugan.
Nasubukan kong kainin ang Gelyn's Peanut Butter. Ito ay napakasarap at talaga namang di ka magi guilty kainin dahil alam mong heathy food ito.
Ito ang features ng kanilang peanut butter...Very affordable pa.
100% Pure Skinless Peanut
Less Sugar
Zero Trans fat and No Bad Cholesterol
High Source of Protein
I try nyo lang umorder sa kanilang official facebook page.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento